Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Oas, Albay

Arestado ang isang lalaki matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Brgy. Iraya Norte, bayan ng Oas Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Adamson”, 26 anyos at residente ng P-5, Brgy. Obaliw-Rinas, ng nasabing bayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa report, gabi nang magsagawa ng isang operasyon laban sa iligal na droga ang Oas MPS sa pakikipagtulungan ng PDEA-RO5 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng tatlong pirasong suspected “shabu”.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Nang magkapalitan na ng nasabing item, dito tuluyang inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang “shabu” at perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.