Bagong DSWD chief, nag-ikot sa mga pasilidad para sa mga vulnerable Filipinos

Nag-ikot si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa ilang mga pasilidad ng DSWD facilities, sa layuning mapaganda pa ang kalagayan ng mga Pilipino sa vulnerable communities.

Unang binisita ni Gatchalian ang Reception and Study Center sa Bago Bantay, Quezon City na mayroong alagang 29 bata na mga orphans, inabandona, o biktima ng pang-aabuso.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dinalaw din nito ang housing facilities para sa matatanda, persons with disabilities (PWD), kababaihan at mga biktima ng human trafficking.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon sa bagong social welfare secretary, ginawa niya ang pag-iikot para makita at maitindihan ang kalagayan ng mga marginalized sectors sa bansa, at matiyak na ang kasalukuyang mga pasilidad ng DSWD ay nagsisilbi sa kanilang mga pangangailangan.