Hiniling ng isang party-list na kumakatawan sa mga Overseas Filipino Workers ang urgent review ng lahat ng labor agreements ng Pilipinas sa ibang mga bansa bilang pagtugon sa pagkamatay ni Jullebee Ranara.
Nanawagan si Rep. Marissa Magsino na repasuhin ang lahat ng 25 bilateral labor agreements na pinirmahan ng bansa sa ibang mga bansa.

Kabilang dito ang mga kasunduan sa ilang Gulf States, Italy at iba pa.
Binanggit din ni Magsino na may mga leading countries of destination tulad ng Singapore, Hong Kong, Malaysia, Brunei, at Oman na walang labor agreements ang Pilipinas.
Binigyang-diin ng mambabatas ang responsibilidad ng bansa na tiyakin na ang OFWs ay protektado sa pamamagitan ng pagpasok ng mga kasunduan sa mga host nations sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipino Act.//CA