Marcos, nangakong poprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin ang partnerships sa mga bansa na maghoho-host ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa kanyang vlog, sinabi ni Marcos na titiyakin ng national government na poproteksyunan ang mga OFWs at ang kanilang pamilya sa Pilipinas, bilang paraan ng pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Una nito, nakausap ni Marcos ang mga diplomatic corps para sa traditional vin d’honneur na isinagawa sa Malacañang.

Samantala, sinabi ng pangulo na magbibigay din ang national government ng scholarships at housing para sa pamilya ng mga OFWs.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Giit ng punong ehektuibo, na magsisikap ang gobyerno na makapagtatag ng malakas na ekonomiya upang maging attractive place ang Pilipinas na tirahan at trabahuhan para sa parehong mga dayuhan at sariling mamamayan.