Iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na papalo palang sa 28 million Subscriber Identity Module (SIM) cards ang nairehistro as of February 5.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, nasa 150 million na mga SIM cards ang inisyu ng mga telecommunications companies.
Sa kabila nito, may mga buyers umano ng prepaid SIM cards, gaya ng scammers, ang gumamit sa naturang cards ng isang beses lang at itinapon pagkatapos.
Ang IRR ng SIM Card Registration Act ay naging epektibo noong December 27, kung saan inaatasan ang lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na bumuo ng kanilang registration platforms.
kaugnay nito, 180 araw lang ang ibinigay sa mga users para irehistro ang kanilang SIM cards, at ang bigong tatalima ang magrersulta sa deactivation.
