Pagsasanay sa mga agrarian reform beneficiaries prayoridad ng DAR Sorsogon

Prayoridad sa ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) Sorsogon ang pagbibigay ng pagsasanay sa lahat ng mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARB’s sa ilalim ng kanilang Support Services Delivery (SSD) program.

Sa panayam ng Brigada News kay DAR Sorsogon Provincial Agrarian Reform Officer 1 Liza Repotente, sinabi nito na kailangan nila itong bigyan ng pokos dahil sa malaking bilang ng mga benepisyaryo. Naniniwala kasi sila sa pagpapaunlad ng kapasidad ng mga ito ay ganap na nagagawa ay magkakaroon ng magandang resulta.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Binanggit din ng opisyal na sa nakalipas na taon ay nakapagsanay sila ng 5,814  na mga ARBs katumbas ng 156% accomplishment rate.

Ang Support Services Delivery (SSD) ay ang pagbibigay ng pangkalahatang suporta at coordinative na mga serbisyo sa mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARB’s at mga apektadong may-ari ng lupa gaya ng pagpapaunlad ng kakayahan, kredito, suporta sa imprastraktura at iba pa upang i-maximize ang productivity ng mga lupang ipinamahagi at gamitin ang mga potensyal ng mga komunidad sa kanayunan.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu