Gatchalian, hinimok ang gobyerno na payagang mag-operate sa bansa ang foreign universities

Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na payagan ng gobyerno ang mga foreign universities na papasukin at mag-operate sa Pilipinas, sa layunin na mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos ibunyag na may ilang educational institutions na nagsasanay ng mga future teachers ang nag-ooperate parin sa kabila ng pagkakaroon ng zero percent passing rate sa licensure examinations.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Inihalimbaw ng senador ang Dubai sa United Arab Emirates, kung saan pinayagan nila ang Stanford University at Harvard University na mag-set up ng operasyon sa kanilang bansa.

Dagdag nito, na sa ganitong paraan marami umano ang mahihikayat para sa education tourism, dahil may mga estudyante mula sa ibang mga bansa gaya sa India na nag-aaral ng medisina sa isa sa malaking unibersidad sa Valenzuela City.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Sa gitna nito, aminado ang mambabatas na sa pag-amyenda sa Konstitusyon para payagan ang mga foreign schools na magkaroon ng full control sa kanilang operasyon sa bansa, ay kailangan ng mas malawak na discussion, dahil ito ay kinabibilangan ng maraming political issues.