Gobyerno, may mga mga programa upang magbalik-loob ang mga makakaliwang grupo ayon sa Phil. Army

Inihayag ng Philippine Army na may mga programang isinasagawa ang pamahalaan para sa mga makakaliwang grupo upang sila ay tuluyan nang magbalik-loob at tigilan na ang pakikipaglaban gamit ang mga armas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Capt. Frank Roldan, Division Public Officer ng Philippine Army 9th Infantry Division, inihayag niyang mayroon silang mga benepisyaryong makukuha sa oras na sila ay magbalik-loob na sa gobyerno at makiisa sa kanilang mga programa.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ang mga benepisyo umano ay nasa ilalim ng Enhanced Competitive Local Integration Program na kung saan magkakaroon sila ng mga livelihood programs at iba pa na magagamit nila sa pagsisimula ng kanilang bagong pamumuhay.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Aniya, ang mga Bicolano ay may masidhing pagnanais na magkaroon na ng kapayapaan at mawala na ang mga makakaliwang grupo.

Sinabi ni Roldan, sa limang dekadang pakikipaglaban nila gamit ang mga armas, wala naman itong naibungang maganda.