Mahigit dalawang libong ektarya ng palayan sa Camarines Sur napinsala ng Shearline at Amihan

NAGA CITY- Umabot na sa 2,346.11 ektarya ng palayan ang napinsala ng Shearline at Amihan sa Camarines Sur batay sa record ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Kabilang sa mga apektado ang Minalabac, Gainza, Nabua, Buhi at Baao.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Samuel Mariano, tatlong dekada nang magsasaka, masakit na sa damdamin at sa ulo ang sitwasyon.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa panayam ng BNFM Naga kay Gainza Municipal Agriculturist Engr. Alex Togño, binanggit nito na aabot sa 336 na ektarya ang epaktado sa kanilang bayan. Umabot nar rin sa ₱739, 200.00 ang halaga ng pinsala sa mga totally damage newly planted palay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nabulok ang bagong saboy na binhi, ang iba naman tumubo na pero hindi nakayanan ang tubig ulan at tubig mula sa  Bicol River.

Kahapon, namigay ang LGU ng binhi mula sa Department of Agriculture (DA) sa mga rehistradong magsasaka.