163 estudyante mula sa tatlong eskwelahan sa Camarines Norte hindi nakakuha ng NAT makaraang ipagpaliban sa Pebrero 2

CAMARINES NORTE- Aabot sa 163 Grade 12 students mula sa tatlong eskwelahan sa Mercedes, Camarines Norte ang hindi naka- exam ng National Achievement Test (NAT) makaraang malipat ang petsa ng pagsasagawa nito sa Pebrero 2 at 3.

Sa impormasyon mula kay Division Information Officer Antonio Ahmad 67 dito ay mula sa Pambuhan High School, 54 sa Lalawigan High School at 42 naman sa Caringo High School.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Una nang inanunsiyo kahapon ng DepEd na ang pagpapaliban sa pagsasagawa ng NAT ay kasunod ng rekomendasyon ng Bureau of Education Assessment (BEA) dahil sa naranasang malalakas na pag ulan noong nakaraang linggo na nagdulot ng pagkasira ng spillway sa Pambuhan kaya hindi madaanan ang kalsada.

Bunsod nito hindi naging accessible ang mga coastal barangay para sa test administrators at majority ng test takers simula noong weekend.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang mga mag- aadminister ng test ay mula sa ibang eskwelahan ng naturang bayan

Mababatid na lahat ng Grade 12 students sa mga pambubliko at pribadong eskwelahan sa bansa ay isinasailalim sa NAT simula kahapon, Enero 30 hanggang ngayong araw.

Nasa 13, 011 ang NAT12 takers sa Camarines  Norte batay sa tala ng DepEd.