Binatang may kasong robbery with rape sa Ligao City, arestado

Arestado ang isang binata sa P-6, Brgy. Mahaba, Ligao City, Albay dahil sa kasong Robbery with Rape.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mike” at residente ng P-5 ng nabanggit na barangay.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon sa report, isinilbi sa kanya ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa akusado na pirmado pa noong Enero 27 ng kasalukuyang taon sa mga nabanggit na kaso.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang akusado ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.