Dela Rosa, naniniwalang may ‘third force’ sa likod ng muling ICC probe kaugnay sa drug war

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ang “third force” na binubuo ng lahat ng mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng insistence ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos na muling payagan ang ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Bato, nais lang maghiganti ang naturang “third force” laban sa dating pangulo.

Nang matanong naman ito kung ang tinutukoy niya ay si dating senator Antonio “Sonny” Trillanes IV, agad na sumagot si Dela Rosa na “Sino pa ba?”

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa huli, nagpaalala si Dela Rosa sa mga kritiko na ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay ang nakinabang din sa kapayapaan na dala ng war on drugs.