PBBM, tinitingnan ang pagkakaroon ng bagong reporma para puksain ang smuggling

Tinitingnan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkakaroon ng bagong reporma upang tuluyang mapuksa ang talamak na smuggling na ayon sa kanya ay nagiging malaking basta sa lokal na industriya at nakaaapekto sa government tax collection.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na isinusulong na ng Pangulo ang digitalization ng mg government transactions, partikular na sa Bureau of Customs (BOC).

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtugon sa naturang smuggling ng iba’t ibang produkto sa bansa na siyang nas alikod ng mataas na presyo ng agricultural products gaya ng sibuyas.

Muli’t muli ring binabanggit ng Pangulo na ang digital transformation ang magiging susi para sa long-term development at economic transformation ng post-pandemic global economy.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Hinimok na rin umano nito ang pribadong sektor na tumulong sa kanyang kampanya kontra sa ilegal na pagpupuslit ng mga produkto sapagkat batid niyang hindi na raw epektibo ang kasalukuyang sistemang ipinatutupad upang labanan ang naturang problema.