9 na pamilyang nasunugan sa Naga, posibleng mabigyan ng sariling lupa

NAGA CITY – May posibilidad na mabigyan ng sariling lupa ng lokal na pamahalaan ng Naga City ang siyam na pamilyang nasunugan sa Barangay Calauag, batay sa naging pahayag ni City Mayor Nelson Legacion.

Ang siyam na pamilyang ito na may katumbas na 54 individual ang kasalukuyang nakatira sa BCDC building na pag-aari ng barangay.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sila ay regular na may ayuda buhat sa city government mula sa mga pagkain, damit kumot at iba pang pangangailangan na una na ring nabanggit ni Annabelle Vargas head ng City Social Welfare and Development Office na naibibigay naman nila araw-araw.

Bukod pa ito sa mga bigay mula sa pribadong sector o individual.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Legacion, sinabi ng alkalde na may natanggap na rin na kaunting ayuda ang mga biktima ng sunog mula naman sa opisina ng Department of Social Welfare and Development Regional Office 5.

Ayon sa alkalde, pinoproseso na rin ng kanyang opisina ang cash assistance na ibibigay sa mga ito, para sa pagsisimula ng kanilang panibagong buhay.