2 mangingisda sa Pandan, Catanduanes, nawawala

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Muncipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ilalim ng tanggapan ng alkalde ng Pandan, Catanduanes na may dalawang mga mangingisda ang nawawala.

Batay sa nakuhang impormasyon, ang nawawalang mga mangingisda ay kinilalang si Aldredo N. Alnaiz, tatlumpu’t limang taong gulang; at si Noli Alnaiz, tatlumpu’t tatlong taong gulang.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang mga ito ay pawang may mga asawa at parehong residente ng Sto. Nino Street, San Roque ng nasabing bayan.

Batay sa report, isang taong nagngangalang Renante Alnaiz, tatlumpu’t isang taong gulang ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa nawawalang mga mangingisda kung saan ayon sa kanya, nagsimula umanong maglayag ang mga ito noong Enero 24 sa kanilang barangay nguniy hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kasalukuyan naming pinaghahanap ang mga mangingisda sa pangunguna ng MDRMMO.