HAPAG program ng DILG Bicol, inilunsad

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol na sabay-sabay ilulunsad sa buong bansa ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG).

Sinabi ni DILG Bicol HAPAG program focal person Jute Balbedina sa Brigada News FM Legazpi na layunin ng programa na mapalakas ang kapasidad ng mga barangay upang mapanatili ang kanilang inisyatibong pang-agrikultura.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya, ang programa ay humihimok na magkaroon ng mga gawaing pang-agrikultura ang mga barangay at hinihikayat ang sambayanang magtanim ng mga sariwang prutas at gulay sa kanilang mga lote.

Isa rin sa nais maabot ng programang ito ay upang masolusyonan ang kagutuman at masiguro ang food security sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga sariwang prutas at gulay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dagdag pa niya, hindi naman limitado ang programa sa urban areas lamang, kundi para rin sa mga rural areas dahil isa umano itong barangay garden.