Binawian na ng buhay ang dose anyos at grade 6 student sa lalawigan ng Bulacan, matapos nitong mabaril ang kanyang sarili gamit ang baril ng tatay nitong pulis.
Unang naiulat kahapon na nasa stable na ang kalagayan ng bata, pero makalipas ang ilang oras, tuluyan itong binawian ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kinuha umano ng biktima ang baril ng kanyang tatay na nasa cabinet at dinala ito sa school.
Kinakalikot umano nito ang baril sa loob ng comfort room ng eskwelahan, kung saan dito na ito pumutok na tumama sa kanyang baba at tumagos sa ilong.
Samantala posible namang mapanagot sa administrative liability ang tatay nito dahil sa kapabayaan.
