PSA: bumaba ang naitalang births at deaths; bilang ng mga nag-asawa, tumaas

Bumaba umano ang bilang ng mga narehistrong panganganak at pagkamatay mula noong January hanggang September 2022, kumpara sa datos sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Pero sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang mga nagpakasal noong nakaraang taon.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Mula noong January hanggang September 2022, ang bilang ng registered births ay pumalo sa 783,199, na mababa ng 20.6% kumpara sa total registered births na 986,369 sa kaparehong period noong 2021.

Kaugnay nito, ang Calabarzon ay may pinakamataas na bilang ng registered births sa 118,919 o 15.2% ng total births sa bansa.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Iniulat naman ng PSA ang kabuoang 418,027 deaths mula January hanggang September 2022, na mababa ng 38.6% kumpara sa kabuoang registered deaths na 680,597 sa kaparehong period noong 2021.

Samantala, sa registered marriages naman, pumalo sa 286,555 ang kabuoang nito mula sa January hanggang September 2022.