Tabaco CDRRMO, patuloy ang pagmomonitor sa mga major rivers sa lunsod

Inihayag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Tabaco, Albay na patuloy pa rin ang pagmomonitor nila sa mga major rivers ng kanilang lunsod lalo na ngayong may sama ng panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Gel Molato ng nasabing tanggapan, mino-monitor umano nila ang mga ilog dahil sa posibleng pag-apaw ng mga ito dahil sa mga pag-ulan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa ngayon, aniya, batay sa kanilang monitoring, above normal ang mga tubig sa ilog at “turbid” o mayroong kulay kayumanggi na isa umanong indikasyon na labis ang pag-ulan sa mga bundok.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, kinumpirma naman ni Molato na ang mga residenteng nakatira sa mga coastal areas ay nasa maayos namang kalagayan ngayon.

Inaabisuhan nya naman ang lahat na palaging magmonitor sa mga forecast tungkol sa panahon upang maging ligtas anumang oras.