Sangguniang panlalawigan ng Albay, nakatakdang magpalabas ng committee report at rekomendasyon sa gobernador tungkol sa pekeng resibo dahil sa quarry

Anumang oras o araw ay nakatakdang magpalabas ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay ng committee report at rekomendasyon sa gobernador ukol sa pekeng resibo dahil sa quarry.

Sa impormasyong nakuha ng Brigada News FM Legazpi, batay sa tala ng isinagawang session ng sanggunian sa mismong imbestigasyon ni Engr. Clemente Ibo, binigyan umano ito ng authorization ni dating Albay Gov. Noel Rosal.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Hinanapan din ng sanggunian ang nabanggit na opisyal ng authorization subalit wala itong maipakita sa session regular.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang nasabing pekeng resibo sa quarry ay maaaring maiconvert sa cash na umaabot umano sa nagkakahalagang PHP1.3B.

Kung mapatunayan mang mayroong anomalya sa panahon ng pamumuno ni Rosal ay posibleng mapatawan ng karampatang administrative o criminal case ang nasa likod nito.