Bilang ng mga tricycle driver na tatanggap ng fuel subsidy sa Central Luzon, halos nasa 80 thousand

Nasa 79, 476 ang kabuuang bilang ng mga tricycle driver sa Central Luzon na makakatanggap ng Fuel Subsidy na nagkakahalaga ng 1,000.

Ayon kay Atty. Tess Magtoto, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB region 3, ang listahan ng mga benepisyaryo ay mula sa mga Local Government Unit o LGU ng bawat bayan at syudad sa rehiyon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Magsasagawa lamang aniya ng verification ang LTFRB kung karapat-dapat ang mga napiling driver sa nasabing ayuda.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa kasalukuyan on-going na ang pamimigay ng ayuda, habang dumaan pa sa verification process ang ilang probinsya.