Karagdagang 1-M doses ng Sinovac dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang karagdagang 1-million doses ng COVID-19 vaccines Sinovac na binili ng Pilipinas mula sa China.

Dala ng Cebu Pacific flight 5J-671 ang naturang kargamento na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport, Linggo ng umaga.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Sinalubong ito nina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr. at ilang Chinese Embassy officials.

Ayon kay Galvez karamihan sa mga dumating na China-made vaccines ay ipapamahagi sa mga probinsiya na may mataas na kaso ng coronavirus disease batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Agad naman dinala sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina City ang mga biniling bakuna.