Ibinahagi ni President Ferdinand Marcos Jr. na iha-highlight niya ang economic gains at preparedness bansa para maging driver ng growth sa Asia-Pacific region sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.
Maliban dito, sinabi ni Marcos na ipupunto rin umano niya ang efforts ng gobyerno sa pagbuo ng infrastructure, na isang malakas na hakbang para ma-reinforce ang matibay at matatag na pagbabago, matiyak ang food security, kabilang na ang critical interlinkages sa health at nutrition, habang isunusulong ang climate-friendly clean at green energy para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Sa naturang pulong, makakausap din ng pangulo ang iba pang government leaders, policy makers, entrepreneurs, civic society advocates, at mga eksperto para talakayin ang mga usapin na may kaugnayan sa tumataas na presyo ng pagkain, climate action, at karanasan ng bansa sa pagmanage sa COVID-19 pandemic.
Matatandaan na noong Nobyembre, inimbitahan si Marcos ng WEF founder at executive chairman Klaus Schwab para dumalo sa forum, na pormal na sisimulan ngayong araw, Jan. 16 hanggang 20 sa Davos.
