PNP, itinanggi ang double standards sa resignation call ni Interior Sec. Abalos

Hindi umano nakikita ng Philippine National Police (PNP) bilang double standard ang desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na iwasan ang pag-anunsyo sa mga pangalan ng mga senior police officers na maaprubahan ang courtesy resignation dahil sa koneksyon sa illegal drug activities.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ginagalang ng organisasyon ang desisyon ni DILG Sec. Benhur Abalos ukol dito.

Paliwanag ni Fajardo, ang panawagan para sa courtesy resignation ay initial stage pa lamang, na una nang naipaliwanag nina Abalos at PNP Chief Rodolfo Azurin Jr..

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dagdag nito, na sa ginawang evaluation at assessment, lumalabas na may sapat na basehan para patunayan ang kanilang links.