Out- patient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital sinalubong ng mahabang pila kahapon

CAMARINES NORTE – Sinalubong ng mahabang pila ng mga pasyente kahapon, araw ng Lunes ang Out Patient  Department ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Ayon sa mga hospital staff ganito raw talaga madalas ang eksena sa loob at labas ng OPD kapag Lunes.

Karamihan sa mga nakapilang pasyente ay mga regular na konsultasyon dahil sa mga karaniwang sakit at marami din ang mga nagpapabakuna dahil sa kagat ng hayop sa Animal Bite Center.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mabuti na lamang at malaki na ngayon ang OPD na naisakatuparan ng nakaraang administrasyon.

Ginawang prioridad naman ng kasalukuyang administrasyon ni Governor Dong Padilla na maisakatuparan ang mas malawak na waiting area sa labas ng OPD para hindi nagtitiis sa ulan kapag ganitong panahon at sa init ng araw kapag naman tag init ang mga pasyenteng nakapila.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kamakailan ay pinasinayaan ang waiting area ng ospital na mayroong mga upuan.

Pero dahil sa dami ng pasyenteng nagpapakunsulta araw- araw ay marami pa rin ang mga nakatayo habang naghihintay sa pila.

Paalala naman  palagi ng Gobernador sa mga staff ng ospital na maging magalang sa mga pasyente  sa lahat ng pagkakataon.