Onion cartel, posibleng nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa bansa – Sen Cynthia Villar

Malakas ang paniniwala ni Senate committee on agriculture chairperson Cynthia Villar na ang onion cartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.

Sa isinagawang media briefing kasunod sa Senate hearing, sinabi ni Senator Villar na ang cartel ang may kabuuang kontrol sa suplay nito at ipinapalabas ang ‘artificial demand’ para tumaas ang presyo nito sa merkado.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Dagdag pa nito na batay sa kanilang imbestigasyon magmula noong 2013 ay napatunayang mayroong cartel sa suplay ng sibuyas.

Binabarat umano ng mga ito ang ibinebentang sibuyas ng mga magsasaka saka mag-iimport.

Anya, ito ang nararapat na resolbahin ng gobyerno para tuluyang mapababa ang presyo ng sibuyas.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Maliban dito, hindi umano nararapat na umasa lamang ang bansa sa onion importation sakaling mayroong supply shortage.

Ito anya ay temporary solution lamang at ang dapat na gawin ng gobyerno ay palawakin ang lokal na produksyon ng sibuyas at tulungan ang mga magsasaka.//MIKE SALGADO
#