Narra Mayor Gerandy Danao, pinangunahan ang clearing operation sa mga baradong drainage system

Pinangunahan ni Narra Mayor Gerandy Danao ang Clearing Operation sa mga barado at masukal na drainage system sa Poblacion at Barangay Panacan II, Narra.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ayon sa alkalde, matagal na umanong hiniling ng mga residente na malinisan ang mga kanal upang maiwasan ang pag-apaw at pagbaha tuwing maulan.

Kaugnay nito ay inaasahang mabilis na maaksyonan ang problema ng mga residente dahil mayroon na umanong sariling Heavy equipments ang munisipyo.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Samantala, patuloy na isasagawa ang paglilinis sa mga susunod na araw.