Barangay Imulnod sa Brookes point, nangangailangan pa rin ng ayuda matapos masalanta ng pagbaha

Nangangailangan pa rin ng ayuda o tulong ang mga residente ng Imulnod sa bayan ng Brookes Point matapos makaranas ng matinding pagbaha.

Ayon kay kapitan Levi Adioc, ang barangay ay lubhang sinalanta kaya marami pa rin sa kanyang kabaranggay ay nag-aabang ng ayuda ng gobyerno.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Noong sabado ay sinabi ni Kapitan sa Brigada na may apatnapu’t walong (48) nakapalista na nasiraan ng bahay kaya ngayon ay walang permanenteng matitirhan maliban sa kanilang kaanak.

Bukod pa rito ay may ilang indibidwal pa ang hindi nakapagpatala dahil hindi makatawid sa mga ilog matapos masira ang mga tulay dahil sa pagbaha.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Gayunman, target ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng mga ayuda ang lahat ng pamilyang naapektuhan sa Barangay Imulnod.