Cybercrime experts mula sa NBI, kailangan sa ginagawang imbestigasyon sa NAIA

Kailangan umanong makipagtulungan ng cybercrime experts mula sa National Bureau of Investigation (NBI) sa ginagawang imbestigasyon ng House of Represnetatives sa nangyaring power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang linggo.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, kung gusto ng gobyerno ang puspusang imbestigasyon sa naturang system breakdown, kailangang tawagin ang mga espesyalista at eksperto mula sa NBI cybercrime division.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag ng mambabatas, kung sakaling mag-crash ang national power grid system at magkaroon ng blackout, kailangan ding makipag-ugnayan sa NBI experts upang makatulong sa imbestigasyon.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Hinimok din niya ang NBI na pataasin ang kanilang staff proficiency at operational readiness nang sa gano’y hindi na kailangang kongreso ang mag-imbista sa kada-critical system crash. // SMM