Prince Harry, inakusahan ang kapatid na si  Prince William ng physical attack noong 2019

Inakusahan  ni Prince Harry ng physical attack ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William na nangyari umano noong 2019.

Isinalaysay ni Harry na noo’y 38 years old sa kanyang isinulat na libro ang pagkakaroon ng pagtatalo na nangyari sa kusina sa kanyang tahanan sa London. Tinawag umano ni William ang kanyang asawa na rude at abrasive bago siya hinarap habang ang mag-asawa ay patuloy na nagtatalo.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy
Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Isinalaysay pa ni Harry na hinawakan umano siya ni William sa kaniyang kwelyo at sinira pa ang kanyang kwintas.

Pagkatapos ng insidente ay humingi naman umano ng tawad si William at nagsisi sa nagawa sa kanyang kapatid.//CA