Walong Pilipinong hindi bakunado galing China nagpositibo sa COVID-19

Walong Pilipinong hindi bakunado galing sa China ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health, batay sa pinakahuling ulat mula sa Bureau of Quarantine ang walong pasahero na dumating sa Pilipinas mula sa China noong December 27, 2022 hanggang January 2, 2023 ay nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Ninoy Aquino International Airport sa pamamagitan ng antigen test.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kasalukuyang nasa isolation ang nasabing mga biyahero matapos ang confirmatory RT-PCR test noong December 31 na positibong resulta ng COVID-19.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Tiniyak din ng ahensiya na patuloy na magsasagawa ng COVID-19 monitoring and surveillance activities sa bansa.

Gayunpaman, hindi pa ibinubunyag ng DOH kung anong subvariant ng COVID-19 ang nakahawa sa mga Pilipinong.//CA