South Korea, hinahanap ngayon ang isang Chinese national na nagpositibo sa COVID-19 ngunit nawawala habang naghihintay sa quarantine facility

Hinahanap ngayon ng South Korean authorities ang isang Chineses national na nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa bansa ngunit nawawala habang naghihintay sa isang quarantine facility.

Nagpositibo ang indibidwal matapos na dumating sa Incheon International Airport malapit sa Seoul noong Martes at inilipat sa isang malapit na hotel upang hintayin ang admission niya sa quarantine facility ngunit pagkatapos ay nawala ito.

Nagpahayag ng panghihinayang ang isang health official na hindi napigilan ng mga awtoridad ang naturang insidente at tinawag itong kahiya-hiya sa South Korea.

Ang indibidwal, na hindi nakilala, ay inilagay na sa isang wanted list. Maaari siyang makulong ng hanggang isang taon, o pagmultahin ng 10 milyong won ($7,840)  kung mapatunayang nagkasala ng paglabag sa Infectious Disease Control and Prevention Act.//CA