Albay, walang naitalang kaso ng mga naputukan sa ikalawang araw ng bagong taon

Walang naitalang mga kaso ng fireworks-related injuries ang lalawigan ng Albay sa ikalawang araw ng taong 2023 batay sa pinakahuling tala ng ahensya.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol, huling nagkaroon ng mga kaso ang naturang lalawigan noong Enero 1, kung saan mula ang mga ito sa bayan ng Daraga at lunsod ng Legazpi.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Wala mang naitalang bagong kaso ang lalawigan, nananatili pa rin ito bilang may pinakamaraming kaso ng FWRI sa buong rehiyon kung saan nakapagtala ito ng labindalawa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa kabuuhan, umabot na sa dalawampu ang naitalang kaso ng mga naputukan sa buong rehiyon ayon sa DOH Bicol.