DOH, walang natukoy na kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 sa Pilipinas

Walang natukoy na highly contagious Omicron subvariant na XBB.1.5 ang Department of Health sa bansa.

Sa isang pahayag sinabi ng DOH na tinitiyak nila sa publiko na ang gobyerno ay patuloy na nagpapatupad ng COVID-19 surveillance at monitoring activities at kumpiyansa sa pagtuklas ng potential variants na maaaring pumasok sa bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Batay sa data ng United States Centers for Disease Control and Prevention, mahigit 40% ng mga kaso ng COVID-19 sa US ay sanhi ng XBB.1.5.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga health experts tungkol sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa China.//CA