Inihayag ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) Legazpi na mayroong tatlong opsyong pagpipilian apara sa pagrerenew ng mga business permit sa nasabing lungsod.
Ayon kay Siony Calleja, head ng nasabing opisina, maaaring face to face, online registration ang gawin ng mga magrenew habang ang para sa on-site registration ay pupuntahan ng mga ito ang mga malalayong barangay para makapagrehistro ng nasabing permit.
Ang face-to-face registration na isasagawa ng BPLO ay mayroong schedule sa bawat barangay upang maiwasan ang pagdagsaan o pagdami ng tao sa nabanggit na opisina.
Layunin nitong mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang permit at maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao lalo’t mayroon pang COVID-19 sa bansa.
Sinabi ng opisyal, umaasa itong maabot nila ang humigit-kumulang sa 6,000 na nagparehistro noong nagdaang taon.