Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang natagpuang putol na paa sa baybayin ng Brgy. Fatima, Tabaco City.
Ayon sa report, mayroon tatlong lalaki ang nakakita umao na inilagay sa hukay sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, mabilis na pinuntahan ng barangay officials ang lugar subalit mabilis na tumakas ang mga lalaki.
Binalikan ng mga ito ang lugar at dito na nilang sinimulang hukayin kung saan isang putol na paa ang kanilang nadiskubre.
Agad naman silang tumawag sa mga pulis upang i-report ang kanilang natagpuan.
Napag-alaman din na maaaring galing sa pasyente sa isang ospital ang inilibing na paa sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang narekober na paa upang matukoy ng mga ito kung sino ang tunay na nagmamay-ari.