OWWA Bicol, planong ibaba sa barangay level ang interbensyon para sa mga anak ng OFWs ngayong taon

Pinaplano ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol na ibaba na sa mga barangay ang pagkakaroon ng intervention program para sa mga anak ng Overseas Filipino Worker (OFWs) sa rehiyon ngayong taon.

Ayon sa tanggapan, iipunin nila ang lahat ng mga anak ng OFWs sa barangay at magkakaroon ng asosasyon kung saan susuportahan ang mga ito at imo-monitor.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sisiguraduhin umano nila na ang mga bata ay hindi mapapariwara habang nagtatranaho ang kanilang mga magulang abroad.

Isa umano sa mga layunin ng programang ito ay ang mapaintindi sa mga bata kung bakit ginagawa ito ng kanilang mga magulang.

Isa rin umano sa mga dahilan kung bakit nagrerebelde ang ibang mga anak ay dahil may sama ng loob sa mga magulang dahil malayo ito sa kanila, kung kaya’t makakatulong umano ito upang maunawaan nila ang sitwasyon ng kanilang magulang, at higit sa lahat maprotektahan din ang mga anak habang nagtatrabaho sila.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa ngayon ay wala pa rin namang naiuulat na ganitong kaso sa rehiyon, ngunit sa kabila nito ay sisikapin ap rin nilang maisagawa ang programa.