Malalaking proyekto, asahan sa So.Cot ngayong 2023

KORONADAL CITY- BIG ticket projects ang aasahan ng mga mamamayan ng South Cotabato ngayong taong 2023.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ngayong buwan ng Enero at Pebrero, muli silang magpupulong kasama ang mga potential investors upang ipinalisa ang mga isinusulong na mga malalaking proyekto at investments na ipatutupad dito.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Inihayag ng gobernador na ang mga proposals ng provincial government ay nakabase sa direksyon at vision ng lalawigan ngayon at sa susunod pang mga taon.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Kabilang sa mga big projects na aasahan sa lalawigan ang establishment ng mga road networks, economic zones, pagpapaunlad sa agrikultura, at renewable energy.