NAGA CITY- 13 na Fireworks Related Injury sa Camarines Sur kung pababasehan ang consolidated record ng Philippine National Police at ang datus ng Department of Health Bicol (DOH).
Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO).
Tatlo sa Iriga City na nangyari noong Dec. 20. 2022 kung saan kwitis ang nakasugat sa magpipinsan na edad pito hanggang siyam na taong gulang.
Kasama ang nangyari sa Tinambac na boga ang nakasugat sa 10-anyos na bata.
Nitong Enero 1, 2023 naman , sugatan ang 9-anyos na sa Baao dahil sa 5- Star; Whistle Bomb ang nakasugat sa 19-anyos na residente ng Minalabac, hindi nabanggit sa 2-anyos na bata sa Libmanan, 5 star naman sa 13-anyos na residente ng Milaor. Sugatan din ang 22-anyos na residente ng Nabua dahil sa 5-star at biktima rin ng paputok ang 11-anyos na taga Iriga City.
Ang iba sa mga insidenteng ito ay reported na rin sa hospitals na minominitor ng DOH. Sa huling update ng ahensya kasama pa sa naputukan ng Kwitis ang 7-anyos na bata sa Pamplona noong Pasko; 22-anyos na residente ng Lupi sa parehong uri ng paputok noong Enero 1 at Whistle bomb naman ang naka-injured sa 48-anyos na taga Magarao.
Sa pagharap sa media ng DOH Bicol bago ang pasko, sinabing inaasahan na nila ang pagtaas ng kaso dahil sa pagluwag ng restrictions sa COVID-19.