Mga nasawi sa Bicol dulot ng sama ng panahaon, umakyat na sa 9, habang 7 ang nawawala

Umakyat na sa siyam ang mga naitalang namatay sa Bicol dulot ng nararanasang sama ng panahon.

Ayon kay Gremil Naz, ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, ang lalawigan ng Catanduanes at Camarines Sur ay mayroong tig tatlo habang tig-isa naman ang sa Sorsogon, Camarines Norte at Naga City.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Pagkalunod ang ikinamatay ng naturang mga indibidwal dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha habang ang iba naman ay tinangay ng malakas na alon matapos na maligo sa dagat at mangisda.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa ngayon, pitong indibidwal pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad kung saan anim sa Catanduanes at isa sa Camarines Norte.