Kumpirmado mula sa Department of Health (DOH) Bicol na walong karagdagang kaso ng mga naputukan ang naitala sa rehiyon noong bisperas at mismong araw ng bagong taon.
Batay sa tala ng ahensya, anim na kaso ang nairehistro sa lalawigan ng Albay, isa sa Camarines Norte habang isa naman sa Camarines Sur.
Dalawa sa mga ito ang naputukan ng five-star, lima ang nabiktima ng kwitis habang ang isa naman ay naputukan ng boga o improvised canon.
Parehong tig-apat na kaso ang naitala noong Disyembre 31 at Enero 1.
Sa kabuuhan, labinglima ang nabiktima ng mga paputok sa rehiyon noong Disyembre 21 hanggang Enero 1.