252 mga estudyante sa kolehiyo sa Mercedes nakatanggap ng educational assistance mula sa LGU

CAMARINES NORTE- Tumanggap ng educational assistance ang nasa 252 college students sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte mula sa Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Educational Cash Assistance Program.

Si Mayor Alexander Pajarillo mismo ang nag abot sa mga benepisyaryo ng halagang P4, 000 na halaga ng ayuda.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ipinamahagi ang naturang halaga ng ayuda bago pa matapos ang taong 2022.

Ayon sa Mercedes Public Information Office pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ang programa upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pag- aaral.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Karamihan s amga nabigyan ng ayuda ay kabilang sa indigent families na inirekomenda ng bawat barangay.

Masaya namang tinanggap ng mga benepisyaryo ang ayuda mula sa LGU na malaking tulong na rin sa kanilang mga gastusin.