CAMARINES NORTE- Na- wash out ng malakas na ulan kahapon ang mga itinambak na lupa at buhangin sa lubak- lubak na bahagi ng national highway sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Noong Miyerkules naabutan ng Brigada News ang maintenance crew ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagtatambak ng lupa at buhangin sa naturang bahagi ng kalsada.
Pero ilang oras lang ang lumipas ay bumuhos ang mga malalakas na pag ulan dahilan upang ma- wash out ito.
Natanong ng Brigada News ang maintenance crew kung bakit lupa ang kanilang ipinantatambak gayung mawa- wash out din ito ng ulan.
Tugon ng mga ito na walang budget kaya ito na lang muna.
Magtatambak na lang daw uli sila sakaling ma- wash out.
Sinusubukan pa ng news team na makakuha ng paliwanag mula sa tanggapan ng District Engineer.
Hindi lang sa second district ang ganitong poblema sa lubak- lubak na kalsada na national highway pa naman kundi maging sa first district
Sa social media nanawagan ang netizen sa DPWH na bigyang pansin ang malalalim na lubak dahil posible itong pagmulan ng aksidente lalo pa ngayong marami ang volume ng sasakyan sa kalsada dahil holiday season.
