Agnas na katawan na natagpuan sa Masbate, kinilala na ng pamilya

Positibo nang kinilala ng pamilya ang natagpuang agnas na bangkay ng lalaki, kahapon nang umaga sa baybaying dagat ng Purok Lambayong, Brgy Resureccion sa bayan ng San Fernando, Masbate.

Sa panayam ng Brigada News sa San Fernando MPS, positibo na umanong kinilala ng pamilya ang natagpuang bangkay na si Geover Benvidez Gaviño, ang 19-anyos na estudyante na nawala ng ilang araw matapos na malunod sa isang beach resort sa  Brgy San Rafael, Sta Magdalena, Sorsogon noong Disyembre 23.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang pamilya ni Geover ay naglayag noong Miyerkules, Disyembre 28, papuntang San Fernando, Masbate para sa pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay.

Ayon pa sa San Fernando Police, nakilala ang bangkay ng pamilya sa pamamagitan ng suot nito at sa pangangatawan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Balak umano ng pamilya na dalhin ang mga labi ng biktima sa Legazpi City, Albay upang ipa-cremate bago iuwi sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Irosin.

Kung babalikan isang search and rescue operations na gumamit pa ng drone units ang isinagawa ng PCG Sorsogon at MDRRMO Sta Magdalena matapos maiulat ang insidente ng pagkalunod sa biktima.