Philippine Coast Guard pinaghahandaan na ang dami ng mga pasahero sa mga pantalan sa lalawigan ilang araw bago ang Bagong Taon

CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ngayon ng Philippine Coast Guard ang dami ng mga pasahero  sa ilang mga pantalan sa lalawigan ng Camarines Norte lalo na sa Mercedes Port ilang araw bago ang Bagong Taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station na mayroon silang naka deploy na  mga tauhan sa pantalan sa kanilang Malasakit Help Desk.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mayroon umano silang Malasakit Help Desk sa apat na sub station ang Mercedes, Jose Panganiban, Paracale at Vinzons para umalalay sa mga pasahero.

Katuwang umano ng Coast Guard ang PNP Maritime at Local police sa pagtitiyak ng seguridad sa mga pantalan para tumugon sa mga petty crimes.

Nagpaalala rin si Rosales sa mga biyahero na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay lalo na ang mga pinagbabawal na paputok dahil kukumpiskahin nila ito.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagsasagawa rin umano sila ng coastal security patrol at patuloy ang pagpapaalala sa mga mangingisda na huwag nang magpilit na pumalaot kapag masama ang panahon.

Sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang dalawang nawawalang mangingisda sa bayan ng Mercedes makaraang pumalaot eksaktong isang linggo na ngayon.