Lolo patay nang mabanga ng truck sa Ocampo, Camarines Sur

NAGA CITY- Hindi na umabot pa ng 2023 ang 70-anyos na lolo matapos na mabangga ng truck sa Ocampo, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang ala- 1:20 kahapon ng hapon Dec. 27 sa Barangay Cagmanaba.

Lumalabas sa imbestigasyon na nabangga ang biktima na si LYDIO BERSABAL y ABUDA ng Barangay Cagmanaba habang naglalakad sa shoulder ng kalsada ng truck na dala ni Wilmar Borado, 30-anyos ng Payatan Goa nang mawalan ng kontrol. Nabangga kasi ito ng kasunod na forward truck na minamaneho naman ni Margarito Malazarte ng parehong lugar.  Hindi mabatid ng PNP kung parehong kompanya ang dalawang truck.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dinala sa ospital ang lolo pero hindi na nakaligtas ayon sa sumuring doktor.

Ayon naman kay Borado bigla siyang nag preno dahil may tatawid na bata yun nga lamang hindi na nakapagpreno ang nasa likod nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at pag-aaral ng PNP para sa sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Ryan Bagasala, sinabing ayon sa mga saksi at sa CCTV footages may kabilisan ang takbo ng mga sasakyan.

Pinag dodoble ingat ng nga otoridad ang publiko lalo ngayong magtatapos ang taon na marami ang nagmamadali para sa mga okasyon at marami ang inuman.