CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga batang edad 5- 11 taong gulang na nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagtatapos ng taon.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 15, 390 o 22. 5 percent ng target population na 68, 347 ang nabakunahan as of December 27, 2022.
Sa labing dalawang bayan sa lalawigan ang Capalonga ang may pinakamataas na porsiento sa ngayon ng vaccination coverage sa naturang age group na nasa 55. 8 percent na.
Sinusundan ito ng Mercedes na may 39. 5 percent coverage, Basud 35. 8 percent, San Vicente na may 34. 3 percent, Talisay 28. 7 percent at San Lorenzro Ruiz 28. 6 percent.
Ang Daet ay may 22. 2 percent, Vinzons 20. 6 percent, Jose Panganiban 14. 3 percent, Labo 13 percent at Sta Elena na may 10. 3 percent.
Habang ang Paracale na sa ngayon ay wala pang sampung porsiento.
Matatandaan na sinimulan ang pagbabakuna sa naturang age group noong Marso.
