MERALCO, nakakuha na ng emergency supplier

Nakahanap na ang Manila Electric Company o MERALCO ng sasalo para sa naputol na suplay ng kuryente mula sa San Miguel Corporation (SMC).

Kasunod nga ito ng inisyung temporary restraining order o TRO ng Court of Appeals dahilan para ihinto na ng SMC ang pagsu-supply ng 670 megawatts (MW) ng kuryente sa MERALCO.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ngayong araw, kinumpirma ng kumpanya na nilagdaan na nila ang bagong power deal kasama ang GNPower Dinginin Ltd,

Sa ilalim ng emergency power supply agreement (EPSA), susupllyan ng GNPower ang MERALCO ng 300MWs ng kuryente mula ngayong araw hanggang sa January 25 ng susunod na taon.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ito ay para maiwasan na ang pagkuha ng meralco sa wholesale electricity spot market o WESM na higit na mas mahal at volatile ang presyohan.
#