Nilinaw ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang naunang pahayag na sinasabing maaaring muling bisitahin ng Korte Suprema ang Marcos estate tax ruling na matagal nang pinal.
Sa isang year-ender press briefing, sinabi ng Punong Mahistrado na ang kanyang komento tungkol sa posibilidad ng pagbaligtad ng pinal na desisyon ng Korte Suprema ay hindi tumutukoy sa isyu ng buwis sa ari-arian ng pamilya Marcos kundi sa finality ng mga hatol sa pangkalahatan.
Ipinaliwanag niya na ang isa sa mga factor kung kailan maaaring baguhin ang isang desisyon ay ang pagbabago sa komposisyon ng Korte Suprema, na binanggit ang karanasan sa Estados Unidos nang binago ang mahalagang desisyon ni Roe v. Wade sa aborsyon sa isang kasunod na kaso dahil sa isang pagbabago sa komposisyon ng korte.
Sinuportahan ni Senior Associate Justice Marvic Leonen ang punto ng Punong Mahistrado, na nagsabing ang question on finality of judgment ay walang kinalaman sa isyu ng Marcos estate tax.
Ngunit binanggit niya ang hindi bababa sa 5 kaso ang inoverturned ng Korte Suprema sa mga naunang desisyon nito, na binanggit ang mga kaso sa pork barrel, condonation doctrine for public officers at rule on the declaration of nullity of marriage.
