DA: bumaba na ang presyo ng asukal sa P95/kilo

Inihayag ng Department of Agriculture na ang suplay ng bigas at asukal sa bansa ay sapat pa hanggang sa susunod na taon.

Kaugnay nito, bumaba na rin umano ngayon ang presyo ng sugar products sa P95 per kilo.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista, na mas maganda ngayon ang suplay ng asukal kumpara sa nakaraang mga buwan dahil milling season na ng mga local producers.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Una nang sinabi ni Evangelista na batay sa supply situation, maaring mag-stabilize ang presyo nito hanggang sa 2023.

Samantala, batay naman umano sa datos ng DA, at sa pakikipag-ugnayan ng mga ibang stakeholders tulad ng SINAG, masasabing sapat ang suplay pagdating naman sa usapin ng bigas, kung saan marami ang na-produce na local rice na tatagal hanggang sa unang quarter ng 2023.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Mababatid na ang campaign promise ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay mapababa ang presyo ng bigas sa P20 per kilo.